Bagong register si Angel bilang freelance digital marketer, at maganda ang kita niya buwan-buwan. Pero dalawang magkaibang payo ang natanggap niya. Sabi ng kaibigan niyang accountant, piliin daw ang 8% flat rate para hindi mahilo sa computations. Sabi naman ng tito niyang may hardware store, mas maganda ang graduated rates para maibawas ang pambili ng bagong laptop at ang kuryente sa bahay.
"Alin po ang dapat kong piliin? At pwede ko bang palitan kung nagkamali ako?"
Maraming freelancer, VA at maliliit na negosyante ang ganito ang dilemma. Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang sulat ni Angel nang step by step.
Ano ang ibig sabihin ng "graduated" tax rates?
Bago pumili, kailangang maintindihan muna kung paano gumagana ang regular na rates para sa mga resident citizen. Ipinaliwanag sa video kung bakit "graduated" ang tawag dito at paano ito tumataas habang lumalaki ang kita.
Sino ang pwedeng pumili ng 8%?
Hindi lahat ay qualified sa 8% option. Ano ang kondisyon, at bakit ito binigay ng gobyerno sa mga entrepreneur? Ang mga detalye ay nasa video.
Kailangan ko bang ipunin ang lahat ng resibo?
Kung ibabawas mo ang gastos mo, kailangan mo bang patunayan ang bawat isa? May isa pang option na binanggit sa video para sa mga ayaw mag-ipon ng resibo. Ano ito, at paano ito naiiba?
Pwede bang magpalit ng option sa gitna ng taon?
Ito ang huling tanong ni Angel, at isa sa pinakamahalaga. Kailan dapat magdesisyon, at ano ang mangyayari pagkatapos mong pumili? Ang sagot ay nasa video.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag at mga halimbawa.
Kung nagsisimula ka pa lang mag-register bilang freelancer o negosyante, kunin ang libreng Business Registration Checklist
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


