Marami na tayong kababayang nag-abroad, doon na nanirahan, doon na bumuo ng buhay, at doon na rin nagkaanak. Pero paano ang mga ari-ariang maiiwan sa kanila ng mga kamag-anak dito sa Pilipinas?
Ganito ang sulat ni Paean: "Hindi ako Filipino citizen. Nagmana ako ng bahay at lupa sa Quezon City. Noon, ibinigay ng tatay ko ang kalahati ng mana sa tita ko. Single ang tita ko at pumanaw na. Nawala namin ang land title. Kanino na mapupunta ang mana? Makukuha ba namin ang buong titulo? Ano ang proseso?"
Dalawang mabigat na tanong ito sa iisang sulat. Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang dalawa.
Pwede bang magmay-ari ng lupa ang hindi Filipino citizen?
Ipinaliwanag muna sa video ang general rule para sa mga dayuhan pagdating sa lupa. Pero may binanggit silang exception na mahalaga sa kaso ni Paean. Ano ito?
Pwede bang magmana si Paean sa kanyang tita?
Single ang tita at walang binanggit na anak. Sino ang mga posibleng tagapagmana niya, at saan papasok si Paean? Tinalakay sa video ang ilang patakaran tungkol sa magkakamag-anak at "degrees."
Ano ang gagawin kapag nawala ang titulo?
Ayon sa video, may ilang paraan para dito. Ano ang mga ito, at alin ang angkop sa sitwasyon ni Paean? Ang mga detalye ay nasa ikalawang bahagi ng video.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


