Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-11-05

Can Parents Take Back Land They Already Transferred to Their Child in the Philippines?

"Can our parents legally take back the land?"

Ito ang tanong ni Crystal. Noong 2011, inilipat sa pangalan ng kapatid niya ang isang ektaryang lupa ng kanilang mga magulang. Ang sabi raw noon, gagamitin lang ito para sa job application niya sa Canada. Ang nanay pa rin nila ang nagbabayad ng amilyar, at ang kapatid nilang lalaki ang nakatira roon. Pero ngayong may matinding hindi pagkakaunawaan ang magkapatid, gusto na raw hatiin ng kapatid ang mga ari-arian ng magulang kahit buhay pa sila.

Sa video na ito, tinalakay nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang sitwasyon ni Crystal, at ang mga konseptong kailangang maintindihan bago masagot ang tanong niya.

Gaano kalakas ang titulo bilang patunay ng pagmamay-ari?

Ipinaliwanag sa video ang Torrens system na ginagamit sa Pilipinas. Bakit tinawag ang certificate of title na "best proof" ng ownership? Pero ito lang ba ang patunay, at automatic bang may-ari ka na kapag nakapangalan na sa iyo ang titulo?

Puwede bang gamitin ang titulo para pagtakpan ang panloloko?

Binanggit sa video ang isang kaso ng Korte Suprema tungkol sa titulong nakuha sa pamamagitan ng fraud. Ano ang sinabi ng Korte tungkol dito, at ano ang tawag sa relasyon ng nakapangalan sa titulo at ng tunay na may-ari?

Ano ang "simulated contract," at bakit ito mahalaga sa kaso ni Crystal?

Ganito ang nakasulat sa Civil Code, Art. 1345: "Simulation of a contract may be absolute or relative. The former takes place when the parties do not intend to be bound at all; the latter, when the parties conceal their true agreement." (Supreme Court E-Library, Republic Act No. 386) Paano ipinaliwanag sa video ang pagkakaiba ng dalawa, at ano ang epekto nito sa kontrata?

Anong dokumento ang unang titingnan ng abogado?

Deed of sale ba ang ginamit sa paglipat, o deed of donation? Bakit daw ito ang unang tanong, at paano nito binabago ang mga posibleng hakbang ng mga magulang?

Ano ang payo ng video bago maglipat ng lupa sa mahal sa buhay?

May paalala ang video para sa mga magulang na nag-iisip maglipat ng ari-arian sa anak. Ano ito, at bakit hindi raw dapat idaan sa "simulation"?

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Kung may binabalak kayong paglipat ng titulo, puwedeng makatulong ang libreng Title Transfer Checklist

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.