Ganito ang tanong ni Reya: "Do I really need a company manual, or can I just make rules as needed?" Maliit pa lang ang negosyo niya, at paulit-ulit niyang naririnig na "dapat may manual ka." Pero kailangan ba talaga, o dagdag-trabaho lang?
Hindi lang ito tanong ng mga may-ari ng negosyo. Para sa empleyado, ang manual o code of discipline ang nagsasabi kung ano ang inaasahan sa kanya at ano ang mangyayari kapag nagkamali siya. Kaya kapag malabo ang rules, parehong panig ang nalilito.
Sa episode na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, kasama ang kanilang mga associates, ang mga tanong ng viewers tungkol sa company manuals.
Batas ba ang nagre-require ng company manual?
Sino ba talaga ang nagsasabing kailangan mo ng manual: ang Labor Code, ang DOLE, o ang mga abogado at HR practitioners? Nilinaw ito sa simula ng video. May magandang paliwanag din si Atty. Erwin, gamit ang mga shade ng kulay, kung bakit hindi kayang sakupin ng batas ang bawat sitwasyon sa bawat industriya.
Pwede bang ilagay kahit ano sa manual?
Kung ikaw ang may-ari, ikaw ang pinakanakakaalam ng negosyo mo. Pero may hangganan ba ang pwede mong isulat? Halimbawa, pwede mo bang sabihing "automatic termination, no need for due process" para sa mabibigat na violation? Pinag-usapan ito sa video.
Pwede bang magtanggal ng empleyado dahil lang nakasulat sa code of discipline?
"You're fired!" Madali sa TV, pero ganoon din ba sa totoong buhay? Tinalakay sa video kung saan pumapasok ang authorized causes, just causes at ang proseso bago maging valid ang isang termination.
Paano kung sabihin ng empleyado na hindi niya alam ang rules?
Isa ito sa pinakamadalas na problema. Paano mapapatunayang alam ng empleyado ang policy? At paano kung isang libo ang empleyado mo at palaging nagbabago ang handbook? May praktikal na tip si Atty. Erwin na natutunan niya mula sa isang kliyente.
Sapat na ba ang manual para protektado ka sa labor case?
Ang tawag dito sa video ay "anting-anting." Ano ang tunay na papel ng manual kapag umabot sa kaso, at bakit delikadong kopyahin lang ang manual ng ibang kumpanya, lalo na kung galing pa sa ibang bansa?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong sagot sa bawat tanong.
Para sa mga employer at HR na gumagawa o nag-a-update ng discipline policies, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


