"Is a letter of authorization from the concerned employee a requirement before an employment verification can be entertained?"
Ito ang tanong ni Julianne. Kapag may tumawag mula sa ibang kumpanya para i-verify ang certificate of employment ng dati ninyong empleyado, ano ang puwede mong sabihin? Paano kung masyado kang maraming nasabi?
Sa video na ito, nagbigay sina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ng isang framework para sa mga employer at HR na humaharap sa employment verification.
Bakit puwedeng magkaproblema sa sobrang pagsasalita?
Ano ang kinalaman ng Data Privacy Act sa simpleng tawag para sa background check?
Level 1: Default
Anong impormasyon ang puwede mong i-confirm nang walang risk? At ano ang dapat mong i-check kung iba ang kopyang hawak ng nagve-verify?
Level 2: Discretionary
Kapag lampas na sa nakasulat sa certificate of employment ang tinatanong, ano ang inirerekomenda ng video na hingin mo muna sa dating empleyado?
Level 3: Double discretionary
Paano naman kung personal, medikal, financial, o hindi pabor sa empleyado ang tinatanong? Bakit tinawag itong "double" discretionary?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag nina Atty. Ramon at Atty. Erwin.
Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at patas ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


