Nasa US ka, o sa Japan, Singapore o Europe. Pumanaw ang magulang mo, at may lupa at bahay na kailangang i-settle sa Pilipinas. Hindi ka basta makakauwi nang ilang buwan. Kanino mo ipagkakatiwala ang titulo, ang mga dokumento, at ang pera?
Hindi ito bihirang sitwasyon. Ayon kay Atty. Erwin Zagala sa video, karamihan sa estate settlement clients nila ay wala sa Pilipinas. Kaya ang tanong ay hindi lang kung pwede bang i-settle ang estate mula abroad, kundi kung paano pipili ng tamang representative dito.
Sa episode na ito, nagbigay sina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ng mga tips para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Kailangan bang kamag-anak ang representative?
Karaniwan, ang unang naiisip ay ang kapatid o pinsan na naiwan sa Pilipinas. Pero sila ba talaga ang pinakamagandang piliin? May maling akala dito na gustong itama nina Atty. Erwin at Atty. Ramon sa video.
Gaano kahalaga ang local connections?
Sabi sa video, may "dating" pa rin sa Pilipinas ang may kakilala. Pero deal breaker ba kapag wala? Pinag-usapan kung kailan ito nakakatulong at kung anong klase ng tao ang karaniwang may ganitong connections.
Abogado ba dapat, o sapat na ang may alam sa proseso?
May kwento si Atty. Erwin tungkol sa payo ng nanay niya: kapag may problema sa tubo, tubero ang tinatawag. Paano ito naa-apply sa pagpili ng representative para sa legal na proseso?
Paano kung magaling pero hindi mo makausap?
May mga kliyenteng lumipat sa kanila dahil sobrang sikat ng dating service provider nila, kaya hindi na naaasikaso ang kaso. Paano malalaman kung available at accessible ang pipiliin mo bago ka pa mag-commit?
Saan hihingi ng recommendations?
Ang huling tip sa video ay tungkol sa pag-verify ng track record. Ano ang dapat itanong, at kanino?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong listahan ng tips.
Para sa step-by-step na gabay sa estate settlement, tingnan ang libreng video guide: Estate Settlement free course
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


