Marami sa mga property na tinutulungang ibenta o bilhin nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ay minana, at nakapangalan pa sa magulang, lolo't lola, o kapatid pa ng lolo. Ang malaking problema: hindi pa naaayos ang estate ng mga ito.
Ito ang tanong ni Anthony, na isinulat na parang telegrama: "Property located in QC, both names under mother and father. Stop. Mother died in province. Stop. Father died in QC. Stop. Father died few years after mother. Stop. Will the estate tax be settled 50% in the province and 50% in QC?"
Napakakaraniwan ng sitwasyong ito. Ayon sa video, bihirang ayusin agad ng surviving spouse ang estate kapag pumanaw ang asawa. Madalas, naiiwan na lang ito hanggang pumanaw na rin ang isa pa.
Paano dapat inayos ang dalawang estate?
Ipinaliwanag sa video ang "ideal world" na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang. Ano sana ang nangyari sa titulo noong unang pumanaw ang ina, at noong pumanaw ang ama?
Per property ba kino-compute ang estate tax?
Mukhang ito ang akala ni Anthony. Tama ba ito? Paano talaga tinitingnan ang estate tax?
Pareho ba ang batas na sakop ng dalawang pagkamatay?
Dahil magkaiba ang taon ng pagkamatay, may tanong kung aling batas ang sasakop sa bawat isa. Malaki raw ang pagkakaiba nito sa babayaran. Ang mga detalye ay nasa video.
Kailangan bang kumuha ng professional?
May payo ang video tungkol sa pag-compute ng estate tax, at kung anong klaseng professional ang dapat lapitan.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


