Ilang taon na mula nang pumanaw si Papa. Nasa kanya pa rin ang titulo ng bahay. Tuwing may family gathering, may magsasabing "kailangan na nating ayusin 'yan." Tatango ang lahat, pero walang kumikilos.
Hindi ito dahil pabaya ang pamilya. Gaya ng sabi sa video, valid ang dahilan ng marami: nagluluksa pa, abala sa buhay, o nao-overwhelm sa dami ng papeles. Pero habang tumatagal, may mga epekto ang pagpapaliban, at hindi lang ito usapin ng papeles.
Sa video na ito, nagbigay sina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ng tatlong praktikal na tips para kumilos na ang pamilya, galing sa karanasan nila sa pag-aayos ng estate ng maraming kliyente.
Paano sisimulan ang usapan sa pamilya?
Ang unang tip ay tungkol sa komunikasyon. Pero ano ang tamang paraan para hindi mauwi sa tampuhan o away? At anong mga bagay ang dapat mapag-usapan sa unang family meeting?
Kailan nakakatulong ang isang professional?
Minsan, kailangan ng isang neutral na third party para magkaroon ng direksyon ang usapan. Ipinaliwanag sa video kung paano nakakatulong ang isang professional, kahit balak ninyong mag-DIY.
Paano hahatiin ang trabaho?
May tip ang video na hango sa paraan ng pagtatrabaho sa opisina. Paano ito gagamitin sa pamilya, at paano masisigurong may progreso?
Ano ang panganib ng pagpapaliban?
Binanggit sa video ang ilang posibleng epekto ng matagal na pagpapaliban. Alin sa mga ito ang maaaring nangyayari na sa inyong pamilya?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


