"Bakit naman ako ita-tax ng BIR kung wala naman akong kinita?"
Ito ang tanong ni Angelina, isang listener na nag-register ng online shop niya sa BIR ngayong taon. Dahil sa ilang personal na problema, zero ang benta niya sa loob ng tatlong buwan. Kaya hindi rin siya nag-file ng monthly o quarterly return. Tapos may kapwa negosyante na nagsabi sa kanya na baka ma-penalty daw siya.
Logical naman ang tanong niya: kung walang kinita, ano ang ita-tax? Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang sulat ni Angelina, para sa lahat ng maliliit na negosyong nagkaroon ng mahinang buwan o quarter.
Pareho lang ba ang pag-file at ang pagbayad ng tax?
Maraming negosyante ang nag-aakalang kapag walang babayaran, wala na ring kailangang i-file. Paano ipinaliwanag sa video ang pagkakaiba ng dalawang obligasyong ito? At ano ang kinalaman ng Certificate of Registration na hawak mo mula nang mag-register ka?
Paano malalaman ng BIR kung kumita ka o hindi?
Binanggit sa video ang "self-declaration," ang sistema kung saan ikaw mismo ang nagre-report sa gobyerno. Kung tahimik ka lang at walang na-file, ano kaya ang iisipin ng BIR? At paano nila napapansin ang mga hindi nagfa-file?
Ano ang "compromise penalty," at bakit ito puwedeng lumaki?
Akala ng iba, kapag zero ang tax, zero rin ang penalty. Ipinaliwanag sa video kung ano ang compromise penalty at kung bakit puwede itong maipon kapag marami ang returns na hindi na-file. Magkano kaya ang puwedeng abutin nito pagkalipas ng ilang taon?
Ano ang gagawin kapag zero ang benta mo?
May tinatawag na "no transaction," "zero," o "nil" return. Paano ito ginagawa, at ano ang isang bagay na sinabi ng video na dapat mong hintayin at itago pagkatapos mong mag-submit?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag at sa mga hakbang na binanggit nina Atty. Erwin at Atty. Ramon.
Para sa iba pang helpful na legal tips, panoorin ang iba pang videos sa YouTube channel namin.
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


