Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-11-05

Can an Employee Be Fired for Having an Extramarital Affair in the Philippines?

"What's the best way to handle illicit affairs in the workplace? Termination, demotion, or suspension?"

Ito ang tanong ng isang reader. At hindi lang iyon ang sitwasyon na dinala sa episode na ito. Paano kung may anak sa labas ang empleyado? Paano kung hindi kasal pero nagli-live in? At paano kung bahagi ng LGBTQ community ang empleyado?

Sa video na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ang mga tanong na ito, gamit ang mga desisyon ng Korte Suprema.

Ano ang "management prerogative"?

Ipinaliwanag sa video na may karapatan ang management na i-regulate ang maraming aspeto ng trabaho. Pero hanggang saan ang karapatang ito, at anong mga kondisyon ang binanggit ng Korte Suprema para hindi ito maabuso?

Puwede bang gawing violation sa company rules ang extramarital affair?

Ayon sa video, may isang hakbang na dapat munang gawin ng kumpanya bago nito maparusahan ang empleyado sa ganitong dahilan. Ano iyon, at bakit mahalaga ang "proper notification" sa mga empleyado?

Ano ang ibig sabihin ng "immoral" sa mata ng batas?

Inamin sa video na mahirap i-define ang immorality, kahit para sa Korte Suprema. May binanggit na two-step test. At may isang malinaw na distinction tungkol sa religious morality. Bakit hindi puwedeng sabihing "bawal ito sa relihiyon ko" bilang batayan ng parusa?

Paano naman ang ibang sitwasyon?

Live-in na walang asawa ang dalawa? Babaeng empleyadong nabuntis nang hindi kasal? Ano ang sinabi ng Korte Suprema sa isang kaso kung saan sinuspinde ang isang empleyado dahil dito? At bakit nagbabala ang video tungkol sa "illegal discrimination"?

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag at sa mga kasong binanggit nina Atty. Ramon at Atty. Erwin.

Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at patas ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.