Nasa Dubai, Canada o Hong Kong ka. Pumanaw ang magulang mo, at may naiwang lupa at bank account sa Pilipinas. Hindi ka makakauwi nang matagal dahil sa trabaho. "Pwede ko bang asikasuhin ito kahit nandito ako sa abroad? O kailangan ko talagang umuwi?"
Maraming OFW at Pilipinong nakatira sa ibang bansa ang may ganitong tanong. Ayon kina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, malaking bahagi ng estate settlement clients nila ay nasa labas ng bansa. Sa video na ito, nagbigay sila ng mga hakbang para sa mga gustong magsimula kahit malayo.
Hadlang ba ang pagiging nasa abroad sa estate settlement?
Ito ang malaking tanong na sinagot sa simula ng video. Ano ang sinasabi ng karanasan nila sa mga kliyenteng nasa ibang bansa?
Kailangan mo bang maging abogado para maintindihan ang proseso?
Bakit mahalagang may basic na pag-unawa ka sa estate settlement kahit may tutulong sa iyo dito? At saan ka pwedeng magsimula kung hindi ka abogado at wala kang oras magbasa ng batas?
Sino ang kikilos para sa iyo sa Pilipinas?
May tinatawag na "attorney-in-fact." Sino ito, at kailangan bang iisang tao lang? May maling akala dito na itinama sa video, pati ang mga gawain na pwedeng iatang sa representative mo.
Anong mga dokumento ang dapat ipunin?
Binanggit sa video ang mga pangunahing dokumento para masimulan ang proseso. Bakit mahalaga ang bawat isa, at bakit dapat malapit ang koordinasyon mo sa representative mo?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa step-by-step na gabay sa estate settlement, tingnan ang libreng video guide: Estate Settlement free course
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


