Sabi nila, "happy wife, happy life." Totoo raw ito sa relasyon, at totoo rin sa negosyo. Kapag tama ang business partner mo, magkasabay kayong humaharap sa mga problema sa labas. Kapag mali, kayo mismo ang problema.
Ito ang tanong ni Sam: "Attorney, nagse-set up ako ng negosyo at gusto kong gawing business partner ang isang kaibigan. Unang beses ko itong gagawin kaya hindi ako sigurado kung tama ang direksyon ko. Ano ang dapat kong hanapin sa isang business partner, para maging maunlad at legally smooth ang negosyo namin?"
Sa video na ito, nagbigay sina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ng checklist. Magagamit ito ng nagsisimula pa lang, at pati na rin ng may negosyo na at gustong mag-expand o tingnan kung gumagana pa ang partnership.
Pareho ba kayo ng direksyon?
Ang unang punto ay tungkol sa isang bagay na mas malalim pa sa kapital. Ano ito, at paano mo ito masusubukan bago pumirma?
Kaya ba niyang mag-isip nang pangmatagalan?
Bakit mahalaga ang long-term thinking, at ano ang dapat ihanda kung sakaling hindi umayon ang plano?
Mananatili ba siya?
Madalas itong hindi napag-uusapan sa simula. Ano ang mangyayari kapag isa lang ang talagang nagtatrabaho sa negosyo?
Paano hahatiin ang kita?
May iba't ibang paraan ng pagbabahagi sa negosyo, gaya ng ownership, dividends at sweldo. Bakit kailangang malinaw ito bago pa magsimula?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung magtatayo kayo ng negosyo, may libreng checklist para sa tamang registration, mula DTI o SEC hanggang BIR.
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


