Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

How to Compute Estate Tax in the Philippines (and Documents Needed)

"Attorney, magkano kaya ang babayaran naming estate tax? Baka hindi namin kaya."

Ito ang dahilan kung bakit maraming pamilya ang hindi nagsisimula ng estate settlement. Hindi dahil ayaw nila, kundi dahil natatakot sila sa computation at sa haba ng listahan ng requirements ng BIR. Kaya nananatili ang lupa at bahay sa pangalan ng yumao nang ilang taon, minsan ilang dekada.

Sa video na ito, nagbigay sina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ng bird's eye view kung paano kinukuwenta ang estate tax at bakit kailangan ang bawat dokumento. Hindi ito detalyadong tax lecture. Simpleng larawan ito para alam mo ang tamang tanong kapag kausap mo na ang BIR o ang estate settlement professional mo.

Ano ang "magic formula" ng estate tax?

Sabi ni Atty. Erwin, simple lang daw ang formula, pero maraming nangyayari sa likod ng bawat bahagi nito. Ano ang formula, at saan madalas nalilito ang mga pamilya? Tinalakay din sa video kung bakit luma na ang table na nakikita ng ilan online.

Paano malalaman ang value ng lupa, bank accounts, at iba pang ari-arian?

Iba-iba ang paraan ng pag-value depende sa klase ng asset: lupa, shares of stock, kotse, alahas. Anong petsa ang tinitingnan, at bakit malaking bagay ito lalo na sa lupang tumaas na ang presyo?

Anong deductions ang pwedeng ibawas?

May isang deduction na tinawag sa video na parang "door prize sa Christmas party." Ano iyon, at may isa pang deduction na mahalaga para sa family home. Ang mga halaga at kondisyon ay nasa video.

Bakit napakahaba ng checklist ng BIR?

Kapag nakita mo ang listahan ng requirements, parang nakakatakot. Pero may simpleng paraan para maintindihan kung bakit nandoon ang bawat item. Ipinaliwanag sa video ang "logic" sa likod ng checklist, para alam mo kung alin ang applicable sa inyo.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Para sa step-by-step na gabay sa estate settlement, tingnan ang libreng video guide: Estate Settlement free course

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.