Kapag maganda ang team mo, isang maling hire lang ang kailangan para masira ito. Pwedeng magdala siya ng tsismis at away, pwedeng mabagal siya at mahila pababa ang iba, o pwedeng hindi siya masaya sa posisyon at kumalat ang ugaling iyon.
Kaya ayon sa video, nagsisimula ang tamang hiring sa isang dokumento: ang probationary contract.
Ganito ang tanong ng isang reader: "Attorney, may tips ba kayo sa pag-draft ng probationary contract? May paraan ba para mas madali, mas mabilis at hindi madaling magkamali? Ano ang dapat kong bantayan?"
Sa video na ito, nagbahagi sina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ng tatlong tips. Makakatulong din ito sa mga empleyado na gustong maintindihan kung ano ang pinipirmahan nila.
Ano ang dapat ihanda bago pa magsulat?
Ang unang tip ay tungkol sa isang dokumentong dapat tapos na bago pa buksan ang template. Ano ito, at bakit doble ang silbi nito?
Bakit hindi dapat isulat ang lahat sa mismong kontrata?
Ang ikalawang tip ay isang simpleng pagbabago sa format. Ano ang dalawang pakinabang nito sa recruiting officer?
Anong mga detalye ang madalas magkamali?
Ang ikatlong tip ay tungkol sa dalawang bagay na mukhang maliit pero malaki ang epekto. Ano ang mga ito, at bakit kailangang tama ang mga ito mula sa unang araw?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at patas ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


