Isang araw, pumasok ka sa opisina at wala ang isang empleyado. Walang text, walang tawag, walang paliwanag. Kinabukasan, wala pa rin. Ito ang AWOL, o absence without leave.
Ganito ang tanong ng isang reader: "Attorney, biglang nawala sa trabaho ang isa naming empleyado. Walang notice, walang message. Ngayon, ang buong team ang sumasalo sa trabaho niya, at nagpa-panic kami dahil may mga importanteng project siyang naiwan. May tips ba kayo sa AWOL cases?"
Madaling mainis sa ganitong sitwasyon. Pero kahit AWOL ang kaso, may proseso pa rin. Sa batas, kailangang bigyan ng employer ang empleyadong tatanggalin ng "a written notice containing a statement of the causes for termination" at ng "ample opportunity to be heard and to defend himself" (Labor Code Art. 277(b), as amended by RA 6715, Sec. 33, Supreme Court E-Library).
Sa video na ito, nagbahagi sina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ng tatlong guidelines para sa mga owner, manager at supervisor.
Bakit unang kalaban ang sariling emosyon?
Ang unang guideline ay para sa boss mismo, hindi sa empleyado. Saan daw talaga nanggagaling ang inis, at bakit delikado kapag ito ang nagdesisyon?
Anong mensahe ang natututunan ng natitirang team?
Pinanonood ng ibang empleyado kung ano ang gagawin mo. Ano ang natututunan nila kapag "hayaan na lang" ang naging sagot?
Bakit kailangang bigyan ng benefit of the doubt ang empleyado?
Nagkuwento ang video ng dalawang totoong sitwasyon kung saan mali ang unang akala ng mga boss. Ano ang nangyari, at ano ang aral para sa employer at sa empleyado?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at patas ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


