"Can you help me authorize my brother so that he can act in my place?"
Ito ang tanong ni Shay, isa sa mga top fan ng Legal Guide. Madalas na raw siyang hingan ng SPA sa bangko at sa mga ahensya ng gobyerno, at sumusunod na lang siya para matapos ang transaksyon. Pero ngayon, siya na ang kailangang gumawa. Uuwi siya sa probinsya, pero kasalukuyang ibinebenta ang condo niya. Paano kung may buyer na dumating habang wala siya?
Sa video na ito, ipinaliwanag nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala hindi lang kung ano ang SPA, kundi kung paano mo malalaman kung maayos ang isang SPA template.
Ano ang "special" sa special power of attorney?
Ano ang pagkakaiba nito sa general power of attorney, at bakit sinabi ng video na mas ligtas ang isa kaysa sa isa?
Saan karaniwang hinihingi ang SPA?
Mula sa Registry of Deeds at BIR hanggang sa safety deposit box sa bangko at pre-trial sa korte, maraming sitwasyon ang binanggit sa video. Bakit mas mahigpit ang mga ito kaysa sa simpleng pag-claim ng padala?
Ano ang framework sa pag-check ng isang SPA template?
Maraming template ang makikita mo sa internet. Pero ayon kay Atty. Ramon, mas mahalaga ang framework kaysa sa template. Sino ang mga partido sa isang SPA, at anong mga bahagi ang tinitingnan niya tuwing nagda-draft siya?
Paano ito gagamitin ni Shay?
Kung kapatid niya ang makikipag-negotiate at pipirma para sa bentahan ng condo, gaano ka-specific dapat ang nakasulat sa SPA?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag nina Atty. Ramon at Atty. Erwin.
Para sa iba pang helpful na legal tips, panoorin ang iba pang videos sa YouTube channel namin.
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


