Mabigat ang mawalan ng mahal sa buhay. Mas mabigat pa kapag ikaw ang naatasang ayusin ang lahat ng naiwan niya.
Ito ang sitwasyon ni Sarah: "Attorney, kamamatay lang ng lolo ko. Ang nanay ko at ang mga kapatid niya ay nasa US, kaya ako ang inatasan nilang mag-asikaso ng paglilipat ng lahat sa amin, kasama ang tatlong property. Hindi ko alam ang gagawin. Parang ang dami kong kailangang gawin at na-o-overwhelm ako. Ano ang dapat kong unahin?"
Kung kayo ang "Sarah" ng pamilya, hindi kayo nag-iisa. Sa video na ito, nagbigay sina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ng limang tips para makapagsimula.
Ano ba talaga ang kasama sa "estate"?
Maraming nag-aakalang mga bahay at lupa lang ang estate. Ano pa ang kasama, at bakit mahalaga ito sa pagbilang?
Bakit iba-iba ang haba ng proseso?
Nagbigay ang video ng ilang factor na nagpapabilis o nagpapabagal sa estate settlement. Alin sa mga ito ang meron sa pamilya ninyo?
Ano ang dapat unahin?
Ang unang tip ay tungkol sa isang petsa na hindi dapat makaligtaan. Anong deadline ito, at ano ang kapalit kapag lumampas?
Sino ang mga tagapagmana, at sino ang mangunguna?
Dalawa sa mga tips ay tungkol sa mga tao: sino ang may karapatan, at sino ang hahawak ng proseso. Anong katangian ang hinahanap sa "point person"?
Kailangan ba ng eksperto?
Ang huling tip ay tungkol sa pagpili kung DIY ba o may tutulong. Ano ang dapat itanong bago magdesisyon?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


