Hindi kasalanan ng isang bata kung paano siya ipinanganak. Pero marami sa atin ang lumaki na may paniniwalang mas kaunti ang karapatan ng illegitimate child, lalo na pagdating sa mana. Tama ba ito?
Ito ang tanong ni Katherine: "Illegitimate child ang anak ko. Sa kasamaang palad, pumanaw na ang tatay at lolo niya, pero buhay pa ang lola sa tuhod niya. Malapit ang anak ko sa pamilya ng tatay niya. Pero dahil malaki ang posibleng iwan ng lola sa tuhod, nagiging isyu ito. Maipaglalaban ba ng anak ko ang karapatan niya?"
Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang tanong ni Katherine, hakbang-hakbang.
Sino ang itinuturing na illegitimate child?
Nagsimula ang video sa basics: paano nagiging legitimate, illegitimate o adopted ang isang anak sa ilalim ng Family Code? May mga lumang termino ring nabanggit na baka narinig n'yo na.
Ano ang mga karapatan ng illegitimate child?
Mula sa apelyido hanggang sa suporta at mana, ano ang mga karapatang hawak niya? At magkano ang parte niya kumpara sa legitimate na kapatid?
Ano ang "iron curtain rule"?
Ito ang konseptong nasa gitna ng tanong ni Katherine. Ano ito, at paano ito nakakaapekto sa mana mula sa lolo at lola?
Ano ang maipapayo kay Katherine?
May praktikal na rekomendasyon ang video para sa sitwasyon nila. Ano ito, at sino ang kailangang kumilos?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Basahin din: Inheritance Rights of Illegitimate Child Philippines
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


