Karaniwan sa mga magulang na ibigay ang mga property sa mga anak kapag matanda na sila. At kadalasan, may asawa na ang mga anak sa puntong iyon. Kaya lumilitaw ang tanong: kanino ba talaga mapupunta ang property, sa anak lang ba o pati sa asawa niya?
Ito ang tanong ni Ivy: "Attorney, balak ng tatay ko na ibigay sa akin at sa kapatid ko ang isang lupa niya. Pero kasal na ako. Magiging conjugal property ba ito? Magkakaroon ba ng problema kung magpatayo kami ng mag-asawa ng bahay sa lupa?"
Sa video na ito, ipinaliwanag nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez kung paano tinitingnan ng batas ang property ng mag-asawa.
Absolute community o conjugal partnership?
May dalawang pangunahing property regime para sa mag-asawa. Ano ang pagkakaiba nila, at paano malalaman kung alin ang sumasaklaw sa inyo?
Ano ang hindi kasama sa property ng mag-asawa?
Inisa-isa ng video ang mga exclusion. Saan papasok ang lupang galing sa magulang, at may pagkakaiba ba kapag donation ito o mana?
Paano kung magpatayo ng bahay sa lupa?
Ito ang ikalawang tanong ni Ivy, at may dagdag pang komplikasyon: hindi lang siya ang bibigyan ng lupa kundi pati ang kapatid niya. Ano ang mangyayari sa bahay at sa lupa?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung bibili o magbebenta kayo ng property, may libreng checklist para masigurong mailipat nang tama ang titulo.
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


