Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-11-05

Input VAT Explained for Philippine Businesses

"Okay lang ba na itapon niyo yung mga resibo niyo, lalo na for business?"

Ito ang tanong ni Freddy, isang listener ng Legal Guide. Marami sa atin ang ginagawang basura ang resibo pagkatapos magbayad. Pero ayon kina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, baka pera na pala ang itinatapon mo, lalo na kung may negosyo ka.

Sa video na ito, ipinaliwanag nila ang VAT, ang input VAT at ang output VAT, gamit ang sarili nilang law office bilang halimbawa.

Ano ba talaga ang VAT, at kanino ito napupunta?

Kapag nagbayad ka sa grocery, sino talaga ang nagbabayad ng VAT? At bakit sinabi ni Atty. Erwin na "caretaker" lang ang negosyante sa VAT na sinisingil niya?

Ano ang input VAT?

Gumamit ang video ng halimbawa ng laptop na binili para sa law office. Aling bahagi ng binayad ang tinatawag na input VAT? At bakit mahalaga na related sa negosyo mo ang binili at may VAT invoice ka? Puwede bang i-credit ang input VAT sa drone?

Ano naman ang output VAT?

Kapag naniningil ka sa kliyente, ano ang obligasyon mo sa ilalim ng batas? Bakit sinabi ng video na hindi lahat ng natanggap mo ay talagang kinita mo?

Paano nagiging pera ang VAT invoice?

Ipinakita sa video ang computation ng output VAT minus input VAT. Ano ang mangyayari sa babayaran mo sa BIR kung itinapon mo ang mga VAT invoice ng gastos mo?

Paalala bago manood

Mga opisyal na source: RA 11976 | TRAIN Law, RA 10963 | NIRC, RA 8424 | RR 7-2024

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag nina Atty. Ramon at Atty. Erwin.

Para sa iba pang helpful na legal tips, panoorin ang iba pang videos sa YouTube channel namin.

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.