OFW si Lee sa Dubai. May condo siya sa Quezon City na pinaparentahan, at may savings account sa isang digital bank na kumikita ng interest. Sabi ng mga kasama niya sa trabaho, dahil nasa abroad siya, wala na siyang dapat bayarang tax sa Pilipinas. "Tama po ba ito?"
Isa ito sa pinakakaraniwang paniniwala ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bansa. Pero hindi lahat ng kita ay pare-pareho. May sweldo mula abroad, may renta mula sa property sa Pinas, at may interest sa bangko. Pareho ba ang trato sa lahat ng ito?
Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang sulat ni Lee, simula sa pagkakaiba-iba ng klase ng taxpayers sa ilalim ng ating tax law.
Anong klaseng taxpayer ang isang OFW?
Ipinaliwanag sa video ang pagkakaiba ng resident citizen at nonresident citizen. Bakit mahalaga ito, at ano ang karaniwang batayan para masabing "nonresident" ang isang Pilipino?
Taxable ba sa Pilipinas ang sweldo mo sa abroad?
Ito ang pangunahing tanong ni Lee. Ang sagot ay nakadepende sa isang bagay na tinalakay nang detalyado sa video.
Paano naman ang renta ng condo at interest sa bangko?
Kahit nasa abroad ka, may mga kita kang galing mismo sa Pilipinas. Paano tinitingnan ang mga ito? Dito madalas nagkakamali ang mga OFW na may investments sa Pinas.
Paano kung may online o digital income ka?
Content creator ka man o may kliyente online, saan ba "nanggagaling" ang kita mo? Binanggit sa video kung bakit mas komplikado ang tanong na ito.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung pinaplano mong gawing pormal na negosyo ang paupahan o investments mo sa Pilipinas, kunin ang libreng Business Registration Checklist
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


