Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

Is My Side Hustle Taxable in the Philippines?

Ganito ang sulat ni Boyet: full-time office employee siya, pero tuwing weekend tumatanggap siya ng graphic design commissions at nagbebenta ng homemade cookies. Hindi kalakihan ang kita, pambayad lang sa kuryente at konting ipon. Pero may naririnig siyang iba-iba. May nagsasabing okay lang hindi mag-register hangga't hindi umaabot sa isang partikular na halaga ang kita sa isang taon. May nagsasabi namang hobby lang ito kaya hindi kailangang i-declare.

Hindi lang si Boyet ang ganito. Content creator, buy and sell sa Facebook Marketplace, virtual assistant, freelancer: maraming Pilipino ang may raket, lalo na mula noong pandemic at ngayong mataas ang presyo ng bilihin.

Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang tanong ni Boyet, simula sa pinaka-basic: ano ba talaga ang "income" sa ilalim ng batas?

Ano ang legal na depinisyon ng income?

Noong pandemic, naglabas ang BIR ng paalala para sa mga online seller at content creator, at nagkagulo sa social media. Bakit nagulat ang marami? Ipinaliwanag sa video ang depinisyon na matagal nang nasa batas.

Totoo bang hindi kailangang mag-register hangga't maliit ang kita?

Ito ang pinakamalaking tanong ni Boyet. Saan galing ang halagang palaging naririnig, at ano talaga ang ibig sabihin nito? Ang sagot ay nasa video.

Kailangan bang mag-register agad kahit "trial phase" pa lang?

Paano kung sinusubukan mo pa lang kung kikita ang raket mo? Kailangan na bang mag-register sa unang benta? May praktikal na paliwanag ang video.

Ano ang panganib ng paghihintay ng "love letter" mula sa BIR?

Sabi sa video, maraming tao ang nag-iisip lang ng tax kapag may dumating nang sulat mula sa BIR. Bakit ito delikado, at paano magplano nang maaga?

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Kung handa ka nang gawing pormal ang raket mo, kunin ang libreng Business Registration Checklist

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.