Nahuli sa CCTV ang isang empleyado na nagnanakaw. Malinaw ang ebidensya. Pinatawag siya ng may-ari, ipinakita ang footage, at sinabihang, "Terminated ka na, effective immediately." Makalipas ang tatlong buwan, may dumating na illegal dismissal case. Sa hearing, may isang tanong na hindi nasagot ng employer. Natalo siya.
Hindi lang ito kwento ng employer. Para sa empleyado, ganito rin ang tanong: ano ba talaga ang kailangan bago ka matanggal sa trabaho? At para sa employer: bakit hindi sapat na tama ka?
Mahalagang malinaw muna kung saan napupunta ang ganitong kaso. Hindi DOLE ang nagdedesisyon sa illegal dismissal. Sa ilalim ng Labor Code, ang Labor Arbiters ng NLRC ang may "original and exclusive jurisdiction to hear and decide… Termination disputes" (Labor Code Art. 217, as amended by RA 6715, Sec. 9, Supreme Court E-Library).
Sa video na ito, solo na ipinaliwanag ni Atty. Erwin Zagala kung paano tinitimbang ang isang termination.
Sapat na ba ang "just cause" para matanggal ang isang empleyado?
Maraming employer ang nag-iisip na kapag may mabigat na dahilan, gaya ng pagnanakaw, malubhang pagpapabaya, o pagsuway sa utos, tapos na ang usapan. Sa video, ikinumpara ni Atty. Erwin ang just cause sa isang written exam. Pero may isa pang "exam" na kailangang maipasa. Ano iyon, at bakit dito madalas sumasablay ang mga employer?
Ano ang tinitingnan ng Labor Arbiter kapag may illegal dismissal case?
Kapag nai-file na ang kaso, sino ang kailangang magpatunay, at anong klase ng patunay ang hinahanap? Ipinaliwanag sa video kung bakit hindi sapat ang "alam ko namang tama ako" kapag nasa harap ka na ng Labor Arbiter.
Bakit may mga employer na tama pero natatalo pa rin?
Sabi ni Atty. Erwin, hindi laging mali ang mga employer na natatalo. Marami raw sa kanila ang tama. Ano ang kulang sa kanila? Ito ang pinakamahalagang bahagi ng video, kaya doon na natin iiwan ang sagot.
Ano ang ibig sabihin nito para sa empleyado?
Kung empleyado ka na pinagpapaliwanag ngayon, o natanggal na, makakatulong na malaman mo kung ano ang hinihingi ng batas sa magkabilang panig. Hindi ito tungkol sa kung sino ang mananalo. Tungkol ito sa pagsunod sa proseso na para sa lahat.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa mga employer at HR na gustong ayusin ang sariling discipline process, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


