Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

Lost Land Title Philippines: What to Do If You Can't Find the Original Title

Ganito ang tanong ni Juny: nasunog ang bahay nila ilang taon na ang nakalipas, at kasama sa nasunog ang original na titulo ng lupa nila. Ang natira na lang ay photocopy ng titulo at ilang tax declaration. Paano sila makakakuha ng bagong kopya?

Hindi lang si Juny ang may ganitong problema. Noong estate tax amnesty, maraming pamilya ang hindi maka-proceed sa transfer dahil hindi nila mahanap ang titulo. Minsan, ang mga tagapagmana pa ang nakakatuklas na may lupa pala si lolo, pero resibo ng amilyar at tax declaration na lang ang hawak nila.

Sa episode na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, kasama ang kanilang mga associates, ang mga tanong ng viewers tungkol sa nawawalang titulo.

Pwede bang basta na lang mag-request ng bagong titulo?

Sabi sa video, hindi ito parang nawalang ID na papalitan mo lang. Bakit mas mahigpit ang proseso para sa titulo ng lupa? At ano ang kinalaman nito sa proteksyon laban sa fraud?

Sino ang pwedeng mag-file, at sapat na ba ang may hawak na SPA?

Isa sa mga tanong sa episode: pwede bang ibang tao ang mag-asikaso ng bagong titulo, lalo na kung siya ang may hawak ng SPA? Pinag-usapan sa video kung bakit mahalaga sa korte kung sino talaga ang may interes sa property.

Sapat na bang ebidensya ang photocopy at tax declaration?

Kung photocopy, tax declaration at resibo ng real property tax na lang ang natira, may magagamit pa ba kayo? Tinalakay sa video kung anong mga dokumento ang nakakatulong, at saan papasok ang affidavit of loss.

Reissuance o reconstitution: alin ang para sa inyo?

Kapag nag-Google ka, dalawang term ang lalabas, at mukhang pareho sila. Ipinaliwanag sa video kung bakit magkaiba ang dalawa at paano malalaman kung alin ang dapat i-file. May kwento rin si Atty. Erwin tungkol sa sunog sa Quezon City Hall noon.

Gaano katagal bago makuha ang bagong titulo?

Ito ang laging tanong ng mga kliyente. Nagbigay ng realistic na timeline ang video, pati ang mga dahilan kung bakit may delays na hindi kontrolado ng abogado.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong sagot sa bawat tanong.

Kung may balak kayong magbenta o bumili ng lupa, kunin ang libreng Title Transfer Checklist

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.