Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-11-05

How Should Employers Handle Mental Health Issues at Work in the Philippines?

"Apektado po kasi ang mental health ko."

Ito ang sagot ng ilang empleyado o estudyante kapag tinanong sila tungkol sa mahinang performance. Para sa employer o school, mahirap ito. Ayaw mong balewalain ang isang tunay na problema, pero paano mo malalaman kung valid ito o ginagamit lang bilang dahilan?

Sa episode na ito ng Legal Guide Philippines, kinausap nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez si Coach Aileen Santos, isang registered guidance counselor at certified professional coach, tungkol sa mental health sa trabaho at sa paaralan.

Saan dapat magsimula: sa diagnosis?

Ikinumpara ni Coach Aileen ang mental health sa mga physical condition tulad ng diabetes. Ano ang unang hakbang na sinabi niyang dapat gawin bago humingi ng accommodation sa kumpanya o eskwelahan?

Sino ang puwedeng mag-diagnose?

Tatlong klase ng professional ang binanggit sa video. Ano ang pagkakaiba ng psychometrician, guidance counselor at psychiatrist, at sino lang sa kanila ang puwedeng mag-reseta ng gamot? Saan daw puwedeng magsimulang maghanap?

Ano ang puwedeng gawin ng employer para sa lahat?

May tatlong level ng programa na inirekomenda ni Coach Aileen para sa mga kumpanya at school, mula sa workshops hanggang sa benefits. Ano ang tinawag ni Atty. Erwin na "mental vaccination"?

Paano kung may diagnosis na?

Kapag na-diagnose na ang isang empleyado, kailangan bang baguhin ang work setup niya? At bakit sinabi sa video na hindi lang kumpanya ang unang dapat sumuporta?

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong usapan nina Atty. Erwin, Atty. Ramon at Coach Aileen.

Para sa iba pang helpful na legal tips, panoorin ang iba pang videos sa YouTube channel namin.

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.