May nawawalang pera sa kaha, at may isang empleyadong pinaghihinalaan. Habang iniimbestigahan, pinauwi muna siya ng manager: "Huwag ka munang pumasok." Para sa employer, proteksyon ito ng negosyo. Para sa empleyado, parang parusa na agad kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Ito ang tinatawag na preventive suspension. Sa video na ito, tinawag ito nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez na isa sa "pinaka-powerful tools" ng employer. Pero dahil powerful, madali rin itong magamit nang mali, at may epekto ito sa magkabilang panig.
Ano ba talaga ang preventive suspension?
Tinanggal na ba sa trabaho ang empleyadong naka-preventive suspension? Ipinaliwanag sa video kung ano ang tunay na layunin nito at kung bakit mahalaga ang salitang "temporary."
Kailan ito pwedeng gamitin?
Hindi raw ito applicable sa lahat ng sitwasyon. Ano ang tinitingnan bago ito ma-impose, at anong mga halimbawa ang binanggit sa video? May isa ring "side benefit" na madalas makaligtaan ng mga employer.
Kailan nagiging mali ang preventive suspension?
Dalawang maling gamit ang tinalakay sa video. Ang isa ay kapag ginawa itong parusa, at ang isa ay kapag ginawa itong shortcut para iwasan ang tamang proseso. Bakit pareho itong delikado?
Paano ito dapat ipatupad?
Pwede bang i-text na lang ang empleyado? Ano ang dapat nakasulat sa notice, at gaano katagal pwedeng tumagal ang suspension? Ang mga detalye ay nasa video.
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at patas ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


