Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

Property Bought Without a Deed of Sale: Can You Still Transfer It to Your Children?

Ganito ang sulat ni Wendy: noong early 1980s, binili nila ng asawa niya ang isang 90-square-meter na bahay at lupa mula sa kanyang tita at tito. Ang titulo lang ang ibinigay sa kanila. Pumanaw ang mag-asawang nagbenta bago pa magawa ang deed of sale.

Simula noon, sila na ang nagbabayad ng amilyar, at sila na ang nakatira roon. Walang kumukwestyon sa pagmamay-ari nila. Ngayon, gusto na ni Wendy na ilipat ang property sa mga anak niya. "Posible pa ba?"

Pamilyar ang kuwentong ito sa maraming pamilyang Pilipino. Sa video na ito, sinagot nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang tanong ni Wendy, at ipinaliwanag kung bakit napakaraming bentahan ang hindi naidodokumento.

Bakit madalas walang deed of sale?

Bago magbigay ng solusyon, tinalakay sa video ang mga karaniwang dahilan kung bakit hindi naisusulat ang bentahan, lalo na kapag kamag-anak ang kausap. Valid ba ang mga dahilang ito?

Ano sana ang dapat ginawa noong panahon ng bentahan?

Ipinaliwanag sa video ang ideal na senaryo: paano dapat idinokumento ang sale ng real property, at bakit mahalaga ang porma nito.

Sapat na ba ang hawak na titulo at bayad na amilyar?

Malaking bagay ba ang matagal na pagtira at pagbabayad ng buwis? Ano ang naitutulong nito, at ano ang hindi nito kayang palitan?

Ano ang mga posibleng daan ngayon?

Pumanaw na ang mga nagbenta. Sino ngayon ang kakausapin, at anong mga opsyon ang binanggit sa video kung hindi magkasundo? Ang mga detalye ay nasa video.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Kung may lupa kayong kailangang ilipat ng pangalan, may gabay para sa inyo dito

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.