Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

Can a Regular Employee Be Terminated for Poor Performance in the Philippines?

"Subukan mo akong tanggalin. Regular ata ako. Magkakasubukan tayo!" Ito raw ang sinabi ng isang empleyado sa manager na kumonsulta kay Atty. Erwin Zagala. Sa kabilang banda, may mga manager namang nagpapayo: "Huwag mong i-regular ang empleyado. Pag regular na, hindi na pwedeng tanggalin."

Magkasalungat ang dalawang paniniwala, pero pareho silang galing sa iisang maling akala. At may isang reader na nagtanong: "Sampung taon na ako sa employer ko. Pwede ba akong tanggalin dahil sa poor performance evaluation?"

Sa video na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ang tanong na ito para sa magkabilang panig.

Immunity ba ang pagiging regular employee?

Ito ang pinakamalaking misconception na tinalakay sa video. Ano ba talaga ang nagbabago kapag naging regular na ang isang empleyado, at ano ang hindi?

Kailan mahalaga ang performance evaluation?

Dalawang pagkakataon ang binanggit sa video kung kailan kritikal ang evaluation. Gaano kadalas ito dapat gawin, at bakit hindi sapat ang isang beses lang?

Ano ang dapat malaman ng probationary employee sa simula pa lang?

May "magic words" daw sa batas tungkol sa probationary period. Ano ang mga ito, at ano ang mangyayari kapag hindi ito nasunod ng employer? Gumamit si Atty. Erwin ng halimbawa mula sa online shopping para ipaliwanag ito.

Kailan nagiging dahilan ng pagtanggal ang poor performance?

Hindi lahat ng mababang rating ay pareho ang bigat. Ipinaliwanag sa video kung kailan maaaring maging basehan ng termination ang poor performance, at bakit kailangan pa rin ng tamang proseso.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos ang evaluation at discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.