"I already served the company for more than seven years. Can I be entitled for retirement pay because I already resigned?"
Ito ang tanong ni Ronald, isang viewer na matagal nang empleyado bago siya umalis sa trabaho. Para sa marami, parehong "pag-alis sa kumpanya" lang ang retirement at resignation. Pero pagdating sa benepisyo, malaki raw ang pagkakaiba ng dalawa.
Sa video na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ang tanong ni Ronald sa pamamagitan ng pag-unawa muna sa "building blocks": ano ang resignation, ano ang retirement, at saan nanggagaling ang retirement benefits.
Ano ang legal na ibig sabihin ng resignation?
May "magic word" daw na susi sa resignation. Ano ito, at bakit hindi mahalaga sa batas kung ano ang personal na dahilan mo sa pag-alis? Binanggit din sa video ang kaso ng Doble v. ABB, Inc. Ano ang itinuturo nito tungkol sa mga kilos bago at pagkatapos ng sinasabing resignation?
Paano naiiba ang retirement sa resignation?
Kung ang resignation ay desisyon ng isang tao, bakit tinawag na "bilateral act" ang retirement? At ano ang papel ng edad at haba ng serbisyo dito?
Saan nanggagaling ang retirement benefits?
Binanggit sa video ang tatlong posibleng pinagmumulan: ang batas, ang collective bargaining agreement, at ang employment contract o company policy. Alin ang mas mataas kadalasan, at bakit may mga employer na kusang nagbibigay ng mas malaking retirement package?
Ano ang mga uri ng retirement plan sa Pilipinas?
Ipinaliwanag sa video ang pagkakaiba ng compulsory at contributory na plan, gaya ng sa SSS at GSIS, at ng mga voluntary na plan. Paano ito nakakaapekto sa tanong ni Ronald?
Ano ang sinasabi ng Labor Code tungkol sa edad at haba ng serbisyo?
Tinalakay sa video ang Article 302 ng Labor Code, pati na kung paano kinukuwenta ang "one-half month salary." Ano ang mga kondisyon bago ka maging entitled, at sapat ba ang pitong taon ni Ronald kung nag-resign siya?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos ang proseso mula hiring hanggang clearance, tingnan ang The Complete Employee Discipline System
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


