Karaniwan sa mga magulang na Pilipino ang ilipat na ang mga property sa mga anak habang buhay pa sila, bilang regalo o bilang advance na mana. Madalas, ginagawa ito para "wala nang problema" pagdating ng araw.
Ito ang tanong ni Ronald: "Attorney, matanda na ang mga magulang ko at gusto nilang ilipat sa akin ang bahay at lupa nila para wala na akong problema kapag nawala sila. Ano ang pinakamagandang paraan? Sabi ng mga kaibigan ko, pwede raw sale o donation. Alin ang mas mabuti?"
Magkaiba ang dalawang ito sa batas. Ang sale ay kung saan "one of the contracting parties obligates himself to transfer the ownership of and to deliver a determinate thing, and the other to pay therefor a price certain in money or its equivalent" (Civil Code Art. 1458, Supreme Court E-Library). Ang donation naman ay "an act of liberality whereby a person disposes gratuitously of a thing or right in favor of another, who accepts it" (Civil Code Art. 725).
Sa video na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala ang tanong ni Ronald.
Bakit naging "choose your own adventure" ang sale at donation?
Matagal na pinag-iisipan ng mga pamilya kung alin ang pipiliin. Bakit naging malaking usapin ito noon, at ano ang tinitimbang ng mga tao?
Applicable pa ba ito ngayon?
Ayon sa video, may batas na nagpabago sa usapang ito. Anong batas ito, at ano ang naging epekto nito sa desisyon ng mga pamilya?
Ano ang dapat isaalang-alang ni Ronald?
Pareho na ba talaga ang tax sa sale at donation ngayon, o may pagkakaiba pa rin? At bukod sa tax, ano pa ang dapat timbangin ni Ronald?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung bibili o magbebenta kayo ng property, may libreng checklist para masigurong mailipat nang tama ang titulo.
Basahin din: Sell or Donate Property to Children Philippines
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


