Paano kung natagpuan mo ang "love of your life," pero kasal ka na pala sa iba? Hindi ito bago sa atin. Puno ang balita at social media ng ganitong kuwento, mula artista hanggang pulitiko. Pero anuman ang dahilan, may sasabihin ang batas tungkol dito.
Ito ang sulat ni Joy (hindi niya tunay na pangalan): "Attorney, 37 taon nang magkasama ang mama at papa ko, at tatlo kami. Nagkakilala sila bilang OFW sa Riyadh, at hanggang ngayon, mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero may problema. Ikinasal ang papa ko nang dalawang taon sa ibang babae at may dalawa silang anak. Naghiwalay sila pero hindi nila ito inayos nang pormal. Civil naman kami sa unang pamilya, pero narinig kong may sama pa rin ng loob ang unang asawa. Dapat ba kaming mag-alala?"
Sa video na ito, ipinaliwanag nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez kung ano ang mangyayari sa ganitong pamilya pagdating sa mana.
Sino ang mga "VIP" ng succession?
Bago pag-usapan kung sino ang makakakuha ng ano, binalikan muna ng video kung sino ang mga compulsory heir. Saan papasok ang bawat miyembro ng dalawang pamilya?
Ano ang mangyayari kung pumanaw si "Mario" ngayon nang walang plano?
Gumamit ang video ng mga pangalan para mas madaling sundan: si Mario, ang unang asawang si Julie, at si Anna. Paano hahatiin ang estate sa pagitan nila at ng mga anak?
May magagawa pa ba para sa pangalawang pamilya?
Ito ang pinakamabigat na tanong ni Joy. Ano raw ang unang hakbang na dapat gawin ni Mario habang buhay pa siya?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung kayo ang naatasang mag-asikaso ng estate ng isang mahal sa buhay, may gabay para sa inyo dito
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


