Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-11-05

What If Someone Claims They Own Your Land Through an Old Donation in the Philippines?

"Give us your land. We own that."

Ito ang biglang sinabi sa pamilya ni Rachel, isang reader ng Legal Guide. Binili raw ng lolo't lola niya ang lupa mahigit 20 taon na ang nakararaan, at may deed of sale sila. Patay na ang lolo't lola niya, pati ang daddy niya na nag-iisang anak. Sila ang nagbabayad ng tax at nasa kanila ang mga papeles. Pero ngayon, may pamilyang naghahabol. Idinonate daw sa kanila ang lupa ng dating may-ari, na matagal na ring patay.

Sa video na ito, sinuri nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang sitwasyon ni Rachel, at kung paano mapoprotektahan ng isang pamilya ang lupa nila.

Ano ba talaga ang "donation" sa batas?

Binasa sa video ang mga probisyon ng Civil Code tungkol sa donation. Ano ang mga elemento nito, at ano ang pagkakaiba nito sa bentahan o sa mana?

Anong form ang kailangan para maging valid ang donation ng lupa?

Hindi raw puwedeng basta salita lang. Ano ang mga requirement na binanggit sa video para sa donation ng real property, at bakit mahalaga ang "acceptance" ng donee? Kailan dapat ito ginawa?

Sapat na ba ang notaryadong deed of donation?

Kahit pirmado at notaryado na, may mga hakbang pa raw na dapat gawin sa BIR at sa Registry of Deeds. Bakit mahalaga ang registration pagdating sa "third persons"?

Ano ang dapat gawin ng pamilya ni Rachel?

May mga rekomendasyon sa dulo ng video. Paano iche-check kung valid ang sinasabing donation? At bakit mahalaga kung nauna ba ang donation o ang bentahan?

Paalala: 2022 pa ang video na ito, kaya i-check ang kasalukuyang proseso sa BIR at Registry of Deeds.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag nina Atty. Erwin at Atty. Ramon.

Kung may lupa kayong kailangang ilipat ng pangalan, kunin ang libreng Title Transfer Checklist

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.