Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

How to Transfer Land Title Still Under a Deceased Grandparent's Name (Philippines)

May lupa ang pamilya sa probinsya. Kailangan na ng pera, kaya napagkasunduang ibenta na. Pero pagtingin sa titulo, nakapangalan pa sa lolo. O mas malala pa, sa lolo ng lolo. "Kami naman ang nagsasaka diyan, alam ng buong barangay na amin 'yan." Pero ayaw tumuloy ng buyer.

Ayon kina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez, napakakaraniwan nito sa Pilipinas. Madalas pang ang mga tagapagmana na nasa abroad ang tumatawag sa kanila, dahil wala na silang mapagkatiwalaan dito at patuloy ang bayad sa amilyar.

Bakit hindi automatic na napupunta sa tagapagmana ang titulo?

Kung ikaw lang ang anak, hindi ba sa iyo na ang lupa? Ipinaliwanag sa video kung bakit hindi sapat na dalhin ang death certificate sa Registry of Deeds, at bakit kailangang "humabol" ang papel sa realidad.

Bakit inaabot ng ilang henerasyon bago maayos?

Hindi alam, "saka na," walang gustong mag-take charge, lahat busy, at takot sa babayaran. Alin dito ang nangyayari sa pamilya ninyo? Tinalakay sa video ang mga karaniwang dahilan, pati ang tinawag nilang "Batman doctrine."

Ano ang epekto nito sa presyo kapag ibinenta na?

Kung ikaw ang buyer at dalawang lote ang pagpipilian, isa malinis ang papeles at isa magulo, alin ang pipiliin mo? Nagbigay ang video ng halimbawa kung gaano kalaki ang tawad na pwedeng hingin ng buyer.

Okay bang dumaan sa fixer?

May mga pamilyang lumalapit sa "kakilala sa gobyerno." Minsan nakakatulong daw, pero ano ang mga panganib? Pinag-usapan sa video kung bakit hindi ito sustainable na solusyon.

Saan nagsisimula ang proseso?

Walang shortcut, sabi sa video. Nagbigay sila ng "in a nutshell" na paliwanag ng mga hakbang, at kung sino ang pwedeng tumulong.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Para sa step-by-step na gabay sa estate settlement, tingnan ang libreng video guide: Estate Settlement free course

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.