Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

What Happens When an Employee Files a Labor Case in the Philippines?

Isang umaga, may dumating na sulat sa opisina. Naka-letterhead ng Department of Labor and Employment, at pinapapunta ka sa isang conference kasama ang empleyado mo. Kung first time mong negosyante, dito na pumapasok ang kaba. "Talo na ba ako? Ano ang dapat kong gawin una?"

Kung empleyado ka naman na nag-file ng reklamo, ganito rin ang tanong mo: ano ang mangyayari pagkatapos kong mag-file?

Sa episode na ito, sinagot nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, kasama ang kanilang mga associates, ang mga madalas itanong kapag nagkakaso ang empleyado laban sa employer.

Dalawang bagay sa batas ang magandang malaman muna. Una, bago umabot sa full-blown na kaso, "all issues arising from labor and employment shall be subject to mandatory conciliation-mediation" (Labor Code Art. 228, as inserted by RA 10396, Supreme Court E-Library). Pangalawa, kapag hindi naayos at umakyat ang illegal dismissal case, ang Labor Arbiters ng NLRC ang may "original and exclusive jurisdiction to hear and decide… Termination disputes" (Labor Code Art. 217, as amended by RA 6715, Sec. 9, Supreme Court E-Library). Hindi DOLE ang nagdedesisyon sa illegal dismissal.

Talo na ba agad ang employer kapag may nag-file na empleyado?

May kumakalat na paniniwala na "pro-employee" daw lagi ang sistema kaya wala nang laban ang employer. Totoo ba ito? Ipinaliwanag sa video kung paano gumagana ang due process para sa magkabilang panig.

Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap ng notice?

Ano ang unang dapat tingnan sa notice, at paano ka maghahanda bago ang unang conference? May praktikal na payo ang mga abogado para sa mga nakatanggap nito sa unang pagkakataon.

Paano kung nag-alok na ng settlement pero nag-file pa rin?

Ano ang pagkakaiba ng mediation at arbitration? At kapag nagkaayos sa conference, anong mga papel ang dapat hawak mo bago mo masabing tapos na talaga ang kaso?

Ano ang mga karaniwang violation na hindi alam ng employer?

Tatlong kategorya ang binanggit sa video. Para sa empleyado, makakatulong itong malaman kung ano ang karaniwang pinagmumulan ng reklamo. Para sa employer, ito ang mga dapat bantayan.

Makakaapekto ba ang kaso sa negosyo at reputasyon?

Ang huling tanong sa episode ay tungkol sa epekto ng paulit-ulit na kaso, hindi lang sa permits kundi pati sa tingin ng mga empleyado, aplikante at kliyente.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong sagot sa bawat tanong.

Para sa mga employer at HR na gustong maging maayos at dokumentado ang discipline process nila, tingnan ang The Complete Employee Discipline System

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.