Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

What Is an SPA (Special Power of Attorney) in the Philippines and When Do You Need One?

Nasa abroad ka, at may bentahan ng lupa na kailangang tapusin sa Pilipinas. Ipinapaasikaso mo ito sa kapatid mo. Pero pagdating niya sa opisina, isa lang ang tanong sa kanya: "May SPA po ba kayo?"

Marami ang nakakarinig ng "SPA" pero hindi sigurado kung ano ito. Authorization letter lang ba ito na mas pormal? Bakit kailangang notarized? At bakit parang ang dami nitong hinihingi ng bangko, ng BIR at ng gobyerno?

Sa video na ito, ipinaliwanag nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala kung ano ang SPA at kung bakit ito hinihingi sa ilang transaksyon.

Ano ang pagkakaiba ng SPA sa simpleng authorization letter?

Ano ang hitsura at format ng isang SPA? At ano ang "magic word" na nagpapaliwanag kung bakit "special" ang tawag dito? Sinagot ito sa video, kasama ang biro ni Atty. Erwin na dapat daw "specific" power of attorney na lang ang tawag.

Kailan ka kailangang mag-issue ng SPA?

Pagpirma ng dokumento, pagdesisyon, pag-claim ng papeles, pag-transact kapag nasa malayo ka o may sakit. Ano ang mga karaniwang sitwasyon na tinalakay sa video?

Bakit malaking tulong ang SPA sa paglipat ng lupa?

Sa pagbili o pagbebenta ng lupa, ang dami mong kakausapin: ang kabilang partido, ang BIR, ang local government, at ang Registry of Deeds. Paano nakakatulong ang isang maayos na SPA para hindi paulit-ulit ang paghingi ng authorization?

Bakit ang ibang tao at ahensya ang humihingi nito?

Hindi lang para sa iyo ang SPA. Ipinaliwanag sa video kung paano rin nito pinoprotektahan ang bangko, ang ahensya o ang taong magre-release ng tseke o titulo, lalo na ngayong mahalaga ang data privacy.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.

Kung may lupang ibebenta o bibilhin ka, kahit sa pamamagitan ng representative, kunin ang libreng Title Transfer Checklist

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.