Legal Guide Philippines Book a Clarity Call ↗
← Back to Blog

2026-10-28

Who Are the Legal Heirs in the Philippines?

"Nag-iwan ng will si Papa, pero mga kapatid ko lang ang nakapangalan bilang tagapagmana. May karapatan pa ba ako?"

Isa lang ito sa mga tanong na madalas marinig ng Legal Guide. Sa Pilipinas, kapag may namatay, madalas nagkakagulo kung sino talaga ang mga tagapagmana. Minsan dahil sa will, minsan dahil sa ikalawang pamilya, at minsan dahil walang malinaw na papeles.

Para sa episode na ito, pinagsama-sama nina Atty. Ramon Ramirez at Atty. Erwin Zagala, kasama ang kanilang mga associates, ang top 10 questions na madalas itanong ng clients at students tungkol sa kung sino ang dapat magmana.

May konsepto sa Civil Code na tinatawag na "compulsory heirs." Ayon sa Art. 887, "The following are compulsory heirs:" at saka nito inilista kung sino-sino sila (Civil Code, RA 386, Art. 887, Supreme Court E-Library). Pero ano ang ibig sabihin nito sa totoong sitwasyon ng pamilya mo?

Pwede bang hindi isama ng magulang ang isang anak sa will?

Kung hindi ka binanggit sa will, wala ka na bang mana? Tinalakay sa video ang disinheritance, kung kailan ito pwede, at kung bakit hindi ito pwedeng gawin dahil lang sa tampuhan.

May mana pa ba ang anak sa unang asawa kapag nag-asawa ulit si Papa?

Ang tawag dito sa video ay "Cinderella" situation. Ano ang nangyayari sa karapatan ng anak sa unang pamilya kapag may bagong asawa at half-siblings na?

Paano kung hindi kasal ang mga magulang?

Tagapagmana ka pa rin ba kung hindi kinasal ang mga magulang mo? At paano naman ang live-in partner na 20 taon nang kasama pero hindi kasal? Magkaiba ang dalawang tanong na ito, at ipinaliwanag sa video kung bakit.

Kapag nag-aaway ang magkakapatid, ano ang pwedeng gawin?

Paano kung hindi magkasundo ang magkakapatid sa hatian ng property ng magulang? Pinag-usapan sa video kung ano ang estado ng property habang hindi pa ito nahahati.

Tagapagmana ba ako ng tita na nagpalaki sa akin?

Pinalaki ka ng tita mo mula pagkabata. Sapat na ba iyon para maging tagapagmana ka niya? Ang sagot ay nasa video.

Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong sagot sa bawat tanong.

Para sa step-by-step na gabay sa estate settlement, tingnan ang libreng video guide: Estate Settlement free course

Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.

Atty. Erwin ZagalaAtty. Ramon Ramirez

Created by Atty. Erwin Zagala and Atty. Ramon Ramirez of Legal Access Law Offices, simplifying Philippine law to protect families and businesses. Content is for general education only and is not legal advice.