"If it does not have a title, can my uncle still give it as a gift?"
Ito ang tanong ni Marie. Ang tiyuhin niya ay may bahay na minana mula sa lola niya. Sa likod nito ay may parteng parang extension ng backyard. Dati raw itong palayan sa tabi ng ilog, pero tinambakan at isinama na sa bakuran. Ang sabi sa kanila, baka hindi na raw ito sakop ng titulo. Ngayon, gusto itong ibigay ng tiyuhin bilang regalo.
Sa video na ito, ginamit nina Atty. Erwin Zagala at Atty. Ramon Ramirez ang tanong ni Marie para ipaliwanag ang ilang konsepto sa Civil Code na bihirang pag-usapan: accretion, alluvium, riparian owner, at reclamation.
Ano ang accretion, at ano ang "magic word" nito?
Binanggit sa video ang depinisyon mula sa isang DENR administrative order. Ano ang ibig sabihin ng "gradual and imperceptible," at bakit mahalaga kung sino o ano ang gumawa ng lupa?
Kanino napupunta ang lupang dala ng agos ng ilog?
Ganito ang nakasulat sa Civil Code, Art. 457: "To the owners of lands adjoining the banks of rivers belong the accretion which they gradually receive from the effects of the current of the waters." (Supreme Court E-Library, Republic Act No. 386) Ano ang mga requirement na tinalakay sa video, at bakit daw ito patas sa riparian owner?
Pareho ba ang accretion at ang reclamation?
Kung tao ang nagtambak ng lupa, pasok pa rin ba ito sa Art. 457? Ano ang kinalaman ng human intervention sa sagot, at bakit nagbabala ang video laban sa basta-bastang pag-reclaim ng lupa?
Sino ang may-ari ng ilog mismo?
Binanggit sa video ang konsepto ng "public dominion." Ganito ang nakasulat sa Civil Code, Art. 420: "(1) Those intended for public use, such as roads, canals, rivers, torrents, ports and bridges constructed by the State, banks, shores, roadsteads, and others of similar character; …" (Supreme Court E-Library, Republic Act No. 386). Paano ito nakakaapekto sa lupang dati ay bahagi ng ilog?
Puwede bang i-donate ng tiyuhin ang lupang iyon?
Sa dulo ng video, binalikan ang tanong ni Marie. Ano ang dalawang posibleng sitwasyon na tinalakay, at bakit malaki ang pagkakaiba ng sagot depende kung accretion o reclamation ang nangyari?
Panoorin ang buong video dito para sa kumpletong paliwanag.
Kung may binabalak kayong paglipat ng titulo, puwedeng makatulong ang libreng Title Transfer Checklist
Ang article na ito ay para sa general information lamang at hindi legal advice. Para sa inyong specific na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.


