Bakit nga ba mahirap ang (Employee Discipline) dito sa Pilipinas? Ano ang mga rason?
Bilang abogado, nakita ko na sa aming mga kliyente ang mga problema na ito. Kaya ito paguusapan natin ngayon.
Welcome to Legal Guide Philippines where we simplify the law to help you make better choices. I'm Atty. Erwin Zagala and I'm with my partner, Atty. Ramon Ramirez.
Today, we're talking about Disciplining Employees.
Una sa lahat, ang mga empleyado ay maaring masyadong malapit sa kanilang mga boss o kaibigan, kaya nahihirapan ang mga boss na mag-disiplina. Malapit kasi ang mga relasyon nila, kaya nahihirapan silang magpataw ng karampatang parusa.
Dala ng kultura natin, may mga pagkakataon yung mga employer masyadong malapit sa kanilang mga empleyado. Masyadong buddy-buddy.
Ang hirap sa ganung klase kasing set up is, kapag kailangan mo ng mag disiplina san pupulutin ngayon yung work? Family mo?
Baka sagutin ka pa dahil close nga na: “Kala ko ba friends tayo?”
When I was younger, I learned yung saying na “Familiarity breeds contempt.”
I think that's very true dito sa pilipinas. Ibig sabihin pag masyado kayong pamilya, posibleng magkaroon ng away later on.
So maganda talagang may distansya kasi, in a work setting, you are not there to be friends and family. You are there to work and as part of work sometimes it needs correction.
So, kailangan nandun yung distansya to afford you the space to correct when needed.
Ang pangalawang reason naman, may mga pagkakataon kung saan hindi malinaw ang mga regulasyon sa trabaho, kaya nahihirapan ang mga empleyado na sundin ang mga alituntunin.
Paano mo susundin hindi mo na iintindihan tama di ba?
Kung hindi naiintindihan ng mga empleyado ang mga regulasyon, hindi rin nila ito susundin. Kaya mahalaga na malinaw at madaling maintindihan ang mga alituntunin.
Parang recipe yan. Ito pinapaliwanag ko pag nasa workshop minsan kahit yung intensyon ng empleyado sumunod maging best employee, pero parang recipe yan di ba gusto mong magluto eh binuksan mo. Example, book on french cooking in the original.
The recipe is in french, so kahit na ako, gigil na gigil na i want to serve the best meal, gusto ko kayong mabusog, at matuwa sa kakainin pero kung hindi ko naman maintindihan how to follow it, even the best intentions will fail.
So, I think ganito rin ang nangyayari sa ibang mga workplaces.
Gustuhin man ng mga empleyado na gumawa ng mabuti, hindi kasi nila naiintindihan so ang nagiging ending nagkakaroon ng work violation.
Ang tingin ko magiging solusyon diyan would be kailangan marunong magsulat ng maayos sa mga employer para tsansa naman yung mga mabubuting employee na sumunod sa tamang regulations.
Pangatlo, ang kawalan ng tamang training at pagpapakadalubhasa sa mga empleyado ay isa pang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga boss sa pagdi-discipline.
Kung hindi nakakatugon ang mga empleyado sa mga responsibilidad nila sa trabaho, maaaring hindi nila ito alam o hindi rin nila ito kayang gawin dahil sa kawalan ng tamang kaalaman.
Paano ini-implement ang imployee discipline in the workplace in the Philippine setting in accordance with the labor code?
Marami tayong nababalitaan sa mga kliyente natin, bigla na lang “You're fired!”
But that's not legal. We need the training to fire someone.
So I guess, the best solution for that third reason is to get more training and not just any training get credible training.
So yung mga boss, yung mga managers, supervisors, huwag sana kayong sumuko sa anong mga problema on employee discipline kasi meron namang mga solution.
Makakatulong definitely kung may training kayo kung pano man disiplina at makita kung ano ang best practices galing sa ibang industriya.
Hopefully marami kayong natutunan. If you want to learn more about dealing with employee issues, enroll in our Employee Discipline workshop at: https://discipline.offer.legalguide.ph/