Terminal Leave: Pwede bang mag leave ang nag resign na empleyado during turnover period?

Weekly Show Episodes 4 min read , March 11, 2023
Video
Podcast

Ano ba ang Terminal Leave?

Pwede bang mag leave ang nag resign na empleyado during turnover period?

Pwede ba sila mag demand na mag leave during turnover period just because nag resign na sila?

Welcome to Legal Guide Philippines where we simplify the law to help you make better choices. I'm Attorney Erwin Zagala and I'm with my partner, Attorney Ramon Ramirez.

So today, we're talking about yung tinatawag nating “Terminal Leave” or yung mga tao na nagtu turn over na pagkatapos nilang mag resign and gusto nila mag leave during that turn over.

Exactly yan ang pag uusapan natin ngayon.

Attorney Ramon, bigla ko tuloy naalala yung term na pribilehiyo and pag sinabi mong pribilehiyo yung una kong naalala yung lisensya .

May lisensya ka ba?

Magmaneho? Oo naman, Oo definitely.

Para makuha mo yung lisensyang yun ano ang mga ginawa mo?

Nag submit ng requirements, nag take ng exam, may konting practical, oo atras abante ka.

Pinasa mo naman on the first try?

Oo, kahit sino makakapasa.

Okay question, ngayon nagbago isip mo, tinatamad ako mag fill out ng forms na to, tinatamad ako mag practical, pwede mo bang i demand na isyuhan ka ng lisensya ng LTO?

Hihingi ako ng lisensya sa LTO kahit na hindi ako nag submit ng requirements or nag apply?

Just because gusto mo lang.

Ay hindi pwede.

Bakit?

Kasi pribilehiyo ang pag kakaroon ng lisensya.

Okay pribilehiyo versus karapatan. Kung karapatan mong magkaroon ng lisensya pwede.

“Isyuhan niyo ako ng lisensya karapatan ko yan!”

Pero ang pribilehiyo kasi binibigay to sa qualified individuals and pumapasok yung discretion nung nagbibigay kung tama ba na bigyan or hindi tama.

Now, ano ang koneksyon nito sa pinag uusapan na ang topic which is Terminal Leave?

Kasi kailangan natin maintindihan na ang pag aapply po ng leave ay isang pribilehiyo. Especially vacation leaves... Iba’t ibang bang klase yung ibang leaves, may bereavement. may sick leave, etc. di ba.

Pinag uusapan dito is vacation leave or yung medyo discretionary naman or elective ang dating na pwede kunin, pwedeng hindi. Pinapaalam lang ng maayos.

Pribilehiyo po ang pag apply ng leave so depende po sa amo kung ia-aprove or idi-disapprove.

Especially with respect to timing. For a lot of employees meron naman silang mga guarantee vacation leave, pero i think ang pinaglalaruan dito is yung timing.

Kunwari nasa accounting firm ka magli-leave ka april 13, good luck na lang.Nagkaka ngaragan na magli leave ka di ba, baka hindi ka mapayagan.

So yun yung pinag uusapan natin dito na discretionary.

Ngayon, walang pinagkaiba yan kung sakali naman na turnover period ka na hindi nagbabago yun. Discretionary pa rin yun, privilege pa rin ang leave so wala kang nagiging special power na “Oh nag resign na nga ko, dapat approve kaagad yung leave ko!” Wala pong ganon.

Pareho pa rin po ang nature ng leave kasi kahit na nagtu-turn over na po kayo, actually discretion pa rin ang employer kung pagbibigyan na makapag leave ka on those certain dates.

Tandaan po natin, ano po ba ang main benefit or para kanino ba yung turnover?

Ang turn over po ay para sa amo para kung ano yung kailangan niya sa empleyadong paalis na, makuha nya ng maayos and in a timely manner.

Eh kapag pinayagan mo mag leave eh ano yung naturnover sayo? Wala di ba.

So kung kailangan talaga yung empleyado for that period of time, may karapatan po ang employer to deny that the extent na meron naman.

Yung thirty days kasi na turn over period required po kayo na pumasok dun unless sabihan kayo ng amo niyo na hindi na kailangan, winave na. Pero kung ni-require kayo at hindi kayo nagpunta ,actually mangyayari po, AWOL kayo for that period.

So pag naging AWOL, sayang naman nag resign ka pa pero lalabas na papel mo terminated ka rin kasi nag awol ka, medyo masama sa record yun.We don't advise that.

Another thing is, kung sakaling makapag cause ka ng pinsala or damages during that time na hindi ka pumasok na dapat pumapasok ka dahil nangako ka na magtu-turnover period ka, di ba pwede kang kasuhan ng employer mo for the judges. So lalaki pa yung problema.

Now, another question is:

“Attorney, pano naman kung may unavailed leaves

Di ba kunwari ang allotment ko fifteen, okay, hindi ko pa nagagamit... Ang sagot diyan depende po sa company policies ninyo ang magiging treatment sa unavailed leaves.

There are some company policies na sinasabi pwedeng i-encash. Meron namang ibang company policy, sinasabi hindi.

So balikan po natin yung company policies para malaman kung ano po yung magiging treatment.

Hopefully, marami kayong natutunan sa episode natin ngayon.

If you want to learn more about dealing with your Resigning or Terminated employees, please enroll in our EMPLOYEE DISCIPLINE WORKSHOP at: https://discipline.offer.legalguide.ph/

Terminal Leave Employee Discipline Labor Standards